Paano Nakukuha Ang Cancer

Paano nakukuha ang cancer

CANCER: PAANO NAKUKUHA?

Mga Sanhi

Marami ang maaaring dahilan kung bakit nagkakaroon ang tao ng kanser. Ang kanser ay maaaring dulot ng mga sumusunod:

  • Paninigarilyo. Ang sigarilyo ay puno ng mga sangkap na kemikal na maaaring magdulot ng kanser ay hindi na lingid sa kaalaman ng marami sapagkat maigting ang kampanya ng pamahalaan tungkol sa masamang epekto ng sigarilyo sa tao. Ang taong sobrang manigarilyo ay ay kadalasang nakakakuha ng kanser baga, sa bibig, sa mga labi, maging sa lalamunan. Ang usok ng sigarilyo ay maaari ring magdulot ng kanser sa kaninuman sa paligid na makalalanghap nito.

  • Pagkalantad sa mga carcinogen. Ang tinatawag na carcinogen ay mga sangkap o mga industryal na kemikal na pumipinsala sa mga selula ng katawan. Maaaring humantong sa kanser ang resulta ng pinsala na dulot nito.

  • Malabis na pag-inom ng mga nakalalasing na inumin. Kahalintulad ng paninigarilyo, ang labis na pag-inom din ay nagpapataas ng posibilidad na magkaroon ng kanser partikular sa atay.

  • Pagkakaroon ng malabis na bigat ng timbang. Ang sobrang katabaan o obesity batay sa mga pagsusuri ay sinasabing isa rin sa mga dahilan ng pagkakaroon ng kanser. Kapag obese ang tao ay tumataas ang antas ng lebel ng insuli sa katawan. Ang insulin naman ay tumutulong sa pagdami ng nga selula ng kanser.

  • Kakulangan ng pagkilos ng katawan. Batay sa maraming pag-aaral ang kakulangan sa pagkilos ng katawan o sedentary na uri ng pamumuhay ay nagpapataas sa posibilidad na magkaroon ng kanser partikular sa ulo, leeg, at maging sa baga.

  • Kakulangan sa nutrisyon. Kapag hindi sapat ang kinakain, nagkakaroon ng kakulangan sa mga sustansyang kailangan ng katawan upang labanan ang mga karaniwang uri ng kanser.

Karagdagang impormasyon:

konotasyon at denotasyon ng kanser

brainly.ph/question/2460275

Epekto ng paninigarilyo

brainly.ph/question/551759

Ano ang alkolohismo?

brainly.ph/question/1858094

#LetsStudy


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ibig Sabihin Ng Makamkam